Thursday, December 3, 2009

LOVE.UNDEFINED.




aaa..child love..

ang pag-ibig pag nasaktan ka parang cancer.
hindi mo alam,hindi mo mapepredict kung kelan tatama sa'yo.
pag hindi mo pa alam na meron ka,alam mo ang dapat gawin para sa ibang tao.
sumuporta,palakasin ang loob pag nasasaktan. pero pag ikaw na ang meron at nasaktan ka.
hindi mo na alam ang gagawin. hindi mo alam kung paanong suporta ang gagawin mo sa sarili mo.
hindi mo alam kung pano ka mabubuhay na dala2 ang saki na 'yon sa'yo.

mearon akong kakilala, bata pa lng xa may nakasama na siyang kaibigan na halos kasabay n rin niyang lumaki. lumipas ang ilang taon 15 years old siya noon, with that age scientifically adolescents are really aggressive. kaya, yung kaibigan niya prket nakakaramdam siya ng kaba,hiya,kilig tuwing makikita niya akala niya mahal na nya. kay sinabi niya kaagad sa kaibigan niya na mahal niya 'to. napasubo sa isang hindi siguradong sitwasyon.

lumipas ang ilang taon,namuhay siya ng malaya,normal na nagdadalaga. nagkakagusto sa iba. pero, dumating ang isang araw na parang merong isang papautok na sumabog sa puso niya na nag bigay ng kasiguraduahn na mahal niya ang kaibigan niya. naging maayos ang lahat sa kanila.
naging masaya,mas nagkakilala. pero isang araw,naisipan niya na tanungin ang kaibigan kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya. isang katangahan na alam niya. dahil alam naman niya kung ano ang mahgiging sagot. Hindi. hindi siya gusto nito. tuloy pa rin ang buhay para sa kanya. kahit masakit, tinatago niya. lagi pa rin siyang nasa tabi ng kaibigan niya. bawat araw kada pag gising niya, humihiling siya na mawala na ang nararamdaman niya para sa kaibigan na isang malaking pagtataka para sa kanya na bakit sa araw-araw na pag hiling niya, lalo niya pa itong minamahal.

ngayon. patuloy pa rin siya sa buhay,umaasa na darating ang panahon na mapapagod din siya na mahalin ang kaibigan niya.

No comments:

Post a Comment